Sunday, April 6, 2014

IKAW AY MAGING IKAW



Titik ni Larry Angsioko

Musika ni TQ Solis, Jr.

1
Maraming bagay dito sa mundo
Ngayon ay narito, bukas ay nasaan
Buhay ng tao'y ganyan din ba lamang?
Ngayon may halaga, bukas wala ka na
Ngayon may halaga, bukas wala ka na

2
Kung gayo'y bakit ang tao'y nagsisikap
Umunlad ang sarili, matupad ang pangarap
Kung pagkatapos ng lahat na pagsisikap
Mapapawi na lamang at sukat

Tulay 1:
Kaya nga ang hamon sa 'yo kaibigan
Lutasin ang hiwaga sa iyo'ng pag-iral
Hanapin ang kasagutan sa lahat ng katanungan
Isa lamang ang paraan: Ikaw ay maging ikaw!

3
Tao'y isinilang sa sangmaliwanag
Upang adhikai'y, maisakatuparan
Lutasin ang hiwaga sa sangkatauhan
At maging isa ring hiwaga sa kapwa nilalang
At maging isa ring hiwaga sa kapwa nilalang.

4
Ikaw ang kasagutan kaibigan
At kung sakaling bawiin ang hiram na buhay
Saka mo lamang matatalos at malalaman
Kung bakit sa mundo ika'y isinilang


Tulay:
Kaya nga ang hamon sa 'yo kaibigan
Lutasin ang hiwaga sa iyo'ng pag-iral
Hanapin ang kasagutan sa lahat ng katanungan
Isa lamang ang paraan: Ikaw ay maging ikaw

Koda:
Ikaw ay maging ikaw.

Copyright © 1978 QT del Sol Music
All Rights Reserved




No comments:

Post a Comment